FREQUENTLY ASKED QUESTIONS ON THE
NATIONAL STRATEGY AND REGULATORY FRAMEWORK FOR MICROINSURANCE
1. What is microinsurance?
Microinsurance is also insurance as we know it. When a person buys insurance cover, he shells out a certain amount to pay for his premiums (or dues/contributions in the case of Mutual Benefit Associations and cooperatives) and he gets a guaranteed benefit when a contingent event takes place. Microinsurance is insurance intended for the low income earners. Thus, microinsurance, as the name implies, is bite-sized, with lower premiums and guaranteed benefits.
2. How affordable are microinsurance products?
Typically, the amount of premium or contribution per microinsurance policy can range from less than P1.00 up to P19.00 per day. This means that the premium on a microinsurance product can be as low as P30.00 per month. In any case, the amount of microinsurance premiums (or dues or contributions) computed on a daily basis, should not exceed five percent (5%) of the current daily minimum wage for non-agricultural workers in Metro Manila, meaning that under today’s minimum wage rate, monthly premiums for microinsurance should not exceed Php 570.
3. How much would be the maximum sum of guaranteed benefits for microinsurance products?
It should not be more than 500 times the daily minimum wage rate for non-agricultural workers in Metro Manila, or in actual current rates, should not exceed P190,000.
4. Why is the guaranteed benefit limited to only a maximum amount equivalent to 500 times of the daily minimum wage rate in Metro Manila?
In the insurance business, the higher the benefits, the higher are the premium payments or contributions. A cap on the guaranteed benefits will ensure that microinsurance products are tailor-fitted to what is needed by and affordable to those who are in the lower income sector of society.
Under the framework, the guaranteed benefit of one (1) microinsurance policy shall not exceed P190,000. It is estimated that for a poor family, this amount can already provide 16.5 months (or 500 days) of lost income resulting from a contingent event happening to it.
5. Are the limits per person or per insurance product?
The maximum amount of premium and guaranteed benefits shall apply on a per product or a per policy basis. In the case of a bundled product, this shall apply to each component of the bundled product.
There is no prohibition for a client to get more than one microinsurance policy to cover his risk protection needs.
6. How will the poor manage to pay their insurance premiums?
Microfinance experience around the world and in the Philippines has proven that the poor can save and are also able to pay their loans on time. Paying insurance premiums is similar to saving money for future events. So, if the poor are able to save, payment for microinsurance should be manageable for as long as these are reasonable and are within their means.
7. What are the other features of microinsurance?
Microinsurance should be simple. Contract provisions should clearly state the face amount, benefits and terms of insurance coverage. Contracts should be written clearly, in simple terms, and with no fine prints. Contract provision should be easily understood by the clients and printed in English and/or Filipino.
Microinsurance should be accessible. Application should not require too many documentations.
Microinsurance should follow a non-restrictive claims settlement process. Settlement of claims shall be within 10 working days upon receipt by the provider of complete documents.
8. Is microinsurance limited only to life products?
No. As long as they comply with the basic concepts of microinsurance, providers may design and provide any form of microinsurance products such as life, non- life or health insurance products.
9. Can licensed microinsurance providers offer bundled products?
Yes. Licensed microinsurance providers may offer bundled microinsurance products (e.g. life, non-life insurance, health and/or pre-need products) provided that:
a. The bundled product shall comprise only of microinsurance products;
b. Each of the components of the bundled product is underwritten separately by the entities; and
c. The contract specifies the lead microinsurance provider assuming the liability for the bundled microinsurance products or services.
10. Who are allowed to provide microinsurance products?
Microinsurance products shall only be provided by entities registered and licensed by appropriate government regulatory bodies. These entities shall include but are not limited to any of the following:
a. Commercial Life Insurance Companies
b. Commercial Non-Life Insurance Companies
c. Mutual Benefit Associations (MBAs)
d. Cooperative Insurance Societies
e. Insurance/Service Cooperatives
f. Pre-Need Companies
g. Health Maintenance Organizations (HMOs)
11. When is an entity considered doing informal insurance or insurance-like activity?
Any entity engaged in the collection of premiums, contributions, fees or charges from members/clients for an assurance of guaranteed benefits upon occurrence of a contingent event but without any certificate of authority from the Insurance Commission is considered to be doing informal insurance or insurance-like activity.
These do not include “damayan” or “abuloy” type of activities wherein the benefits or payments are limited only to the amount of premiums or contributions collected at the time the contingent event happened.
12. Why are entities engaged in informal insurance or insurance-like activities required to formalize their operations?
So that the risks of these entities, not being able to uphold their promises and fulfill their obligations is minimized, if not avoided.
13. What are the options available for an entity that is currently engaged in informal insurance activity?
It shall be required to formalize its informal insurance activities by choosing any of the following options:
a. Partnership with formal insurance providers and intermediaries through the purchase of individual/group insurance policies; this option may even open opportunities for licensure as an agent or broker.
b. Joining an MBA or a Cooperative Insurance Provider. Cooperatives may apply as members in an existing Cooperative Insurance Society while individuals may apply as members in an MBA or in an Insurance/Service Cooperative engaged in the insurance business.
c. Setting up of any of the following licensed Insurance Entities:
i. Life or Non-Life insurance company;
ii. MBA; or
iii. Cooperative insurance provider
14. Can the entities currently doing informal insurance opt to organize an MBA?
Yes, provided they will comply with the prescribed requirements of the Insurance Commission (IC). However, to prevent overcrowding of MBAs in a specific location, the Insurance Commission shall give license to an MBA provided that:
a. There is no existing MBA of the same type or bond of membership in the province; or
b. There is no branch of a nationwide MBA of the same type in the specific province.
15. Are there sanctions or penalties for entities engaged in informal insurance?
Yes. There are legal provisions that empower regulatory bodies to impose sanctions or penalties to entities engaged in informal insurance without the requisite license from the IC. The IC, Securities Exchange Commission (SEC) and the Cooperative Development Authority (CDA) will collaborate and exchange information to ensure that entities doing informal insurance and insurance-like activities are operating within the prescribed regulatory environment. All entities should comply with the prescribed registration and licensing requirements to ensure consumer protection.
16. Will the Government provide subsidy in mainstreaming the informal insurance providers?
The government will not provide any direct subsidy in mainstreaming informal insurance providers. Instead, the government shall create a special regulatory space for informal insurance providers that plan to formalize their insurance and/or insurance-like activities. This includes, among other things, lower capital requirements for entities wholly engaged in microinsurance.
The government, however, needs the support of development partners in building the capacity of informal insurance providers to mainstream and formalize their operations. Assistance from development partners, may include, among other things, the following: innovations in developing appropriate insurance products for the poor; development of the appropriate database; financial literacy.
17. What is the role of Local Government Units (LGUs) in microinsurance? Can they provide direct subsidies for their constituents?
LGUs are expected to support the development of the microinsurance market by collaborating with the private sector in ensuring that their local constituents have access to microinsurance. LGUs are important for the establishment of support mechanisms [linkages, information and public assistance desks, financial literacy campaigns, etc] that will increase public awareness and access to microinsurance products and services by the poor. LGUs could also provide help desks to assist their constituents in choosing the right microinsurance products.
LGUs may also provide direct subsidy for their constituents through the PhilHealth. PhilHealth is mandated by law to provide universal coverage, and thus, has a program for the indigents. Under this program, LGUs may provide subsidies on the premium payments of their deserving indigents to PHILHEALTH.
18. Is the agricultural sector included in microinsurance? What is the role of the Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC)?
The low-income households in agricultural sector may avail of microinsurance products and services. Innovative insurance products that cater to the needs of the low-income households in the agriculture sector may be developed by the private sector [e.g. weather-based insurance products]. PCIC may partner with private insurance providers in developing and distributing index based insurance products.
19. Who are the intermediaries who can sell microinsurance products?
Microinsurance agents and microinsurance brokers shall be the intermediaries who can sell microinsurance products.
Microinsurance agents are individuals or entities that have been licensed by the IC to obtain or solicit microinsurance on behalf of a duly licensed insurance entity. They will not be required to take the regular licensure examination for insurance agents, but rather, shall undergo an approved microinsurance training program and pass a qualifying examination at the end of the program.
Microinsurance brokers are individuals or institutions that have been licensed by the IC to solicit, negotiate, or procure the making of any microinsurance contract on behalf of clients. Microinsurance brokers are required to put up the required capitalization equivalent to half of what is required for regular brokers.
20. What are the requirements for institutions engaged in microfinance operations to become microinsurance agents?
Microfinance Institutions or institutions engaged in microfinance operations may apply and be licensed as microinsurance agent, provided that:
a. A soliciting agent is identified by the institution;
b. The institution will sell microinsurance products only to its microfinance clients; and
c. The soliciting agent undertakes the prescribed training program and pass the required examination for microinsurance agents.
21. Would regular agents and brokers be allowed to sell and distribute microinsurance products?
Yes, agents and brokers with regular license from IC shall be allowed to sell and distribute microinsurance products in addition to the traditional insurance products they are selling.
22. Why is financial literacy important for microinsurance?
Financial literacy is important to raise awareness on how insurance for the low-income households works and how it can benefit them. Financial literacy will help create a consciousness and understanding on the importance of microinsurance. It will enjoin and encourage providers to design microinsurance products appropriate to the needs of the informal sector and the lower segments of society.
23. Who will be given financial literacy trainings?
Financial literacy will be conducted, among others, for the providers and more importantly, the current and potential clients of microinsurance. It shall focus on the following: appropriate risk protection; microinsurance policies and regulations; duties and responsibilities of providers; and rights and benefits of clients.
MGA KADALASANG TANONG TUNGKOL SA “NATIONAL STRATEGY AT REGULATORY FRAMEWORK FOR MICROINSURANCE”
1. Ano ang microinsurance?
Ang microinsurance ay isang aktibidad na nagbibigay ng partikular na seguro, kahawig ng seguro, o iba pang katulad na produkto at serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng sektor ng ating lipunan na may mababang sahod upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa mga pangyayaring hindi inaasahan o hindi nakikinita. Nabibilang dito ang lahat ng uri ng seguro, kahawig ng seguro at iba pang kahalin-tulad na mga aktibidad na may mga sumusunod na katangian:
a. Ang halaga ng prima, regular na kontribusyon, o bayarin ay kinokolekta/ibinabawas bago pa man dumating ang hindi inaasahan o hindi nakikinitang pangyayari; at
b. Ang ipinangakong benepisyo ay ibibigay kapag dumating ang hindi inaasahan o hindi nakikinitang pangyayari.
2. Ano ang produkto ng microinsurance?
Ang produkto ng microinsurance ay isang pinansyal na produkto o serbisyo kung saan:
a. Ang halaga ng prima, kontribusyon at mga bayarin, tinuos mula sa arawang basehan, ay di lalampas sa limang porsyento (5%) ng kasalukuyang pinakamababang arawang sahod (minimum daily wage) ng mga di-agrikultural na manggagawa sa Metro Manila. Sa kasalukuyan ito ay katumbas ng halagang di lalampas sa P19.00 kada araw; at
b. Ang pinakamataas na pangakong benepisyo ay di lalampas sa limandaang beses ng pinakamababang arawang sahod (minimum daily wage) ng mga di-agrikultural na manggagawa sa Metro Manila. Sa kasalukuyang arawang sahod, ito ay katumbas ng P190,000.
3. Paano naiba ang mga produktong microinsurance mula sa mga tradisyunal na produkto ng seguro?
Katulad din ng mga tradisyunal na produkto ng seguro, ang microinsurance ay nagbibigay ng proteksyon kapag dumarating ang mga pangyayaring hindi inaasahan o hindi nakikinita tulad ng pagkamatay, aksidente at pagkakasakit, pagkasunog ng ari-arian at mga karugtong na pagkasira, kalamidad at pananalasa ng kalikasan, at pagkakabiktima. Ganunpaman, ang mga produkto ng microinsurance ay may mga katangiang di napapaloob sa mga tradisyunal na produkto ng seguro katulad ng:
a. Primang abot-kaya. Ang halaga ng prima o kontribusyon sa bawat seguro ay maaaring magmula sa P1.00 o mababa pa rito hanggang P19.00 kada araw. Ibig sabihin nito, ang prima ng isang produkto ng microinsurance ay maaring magkahalaga lamang ng P30.00 sa isang buwan depende sa nasasaklaw ng seguro at sa benepisyo na tatanggapin mula rito. Ang paraan ng pagbabayad ay di istrikto at maaring ibagay sa daloy ng pananalapi ng kliyente.
b. Kontratang may malinaw na paliwanag ng mga panuntunan, simpleng pananalita at kakaunti ang mga di-pinapayagan.
i. Ang kontrata ng microinsurance ay magsasaad ng halaga ng seguro, mga benepisyo at mga panuntunan ng pagkakaseguro.
ii. Ang mga panuntunan ng kontrata ay isasaad sa simpleng pananalita at kung maaari, nasusulat sa Ingles at Filipino at walang maliliit na pagkakalimbag.
iii. Sa kaso ng kontrata para sa “life microinsurance”, -
1. Ang nakaseguro ay maaari pa ring magbayad ng kontribusyon hangga’t di lumilipas ang apatnapung (40) araw mula sa takdang araw ng bayaran
2. Ang panahon na maaaring pabulaanan ang seguro (contestability period) ay isang taon.
c. Simpleng papeles at mga patunay kapag kukuha ng benepisyo.
i. Ang aplikasyon ay mangangailangan lamang ng kaunting impormasyon tungkol sa kliyente at ID na mayroong larawan o anumang katanggap-tanggap na pamalit na dokumento.
ii. Ang pagbabayad ng benepisyo ay sa loob lamang ng sampung (10) araw pagkatanggap ng tagaseguro ng kumpletong dokumento. Sa mga pagkakataong hindi inaasahan, ang patunay mula sa barangay ay maaring tanggapin.
4. Bakit dapat iseguro ang mga may mababang sahod at ang impormal na sector?
Katulad ng sinuman, ang mga may mababang sahod at nasa impormal na sektor ay nahaharap sa mga panganib tulad ng pagkamatay, pagkawala ng mga ari-arian dahil sa aksidente o sakuna. Sa pagdating ng ganitong mga pagkakataon, sila ay nagkakaroon ng mga gastusing maaaring di nila handang harapin o panagutan. Ang pagkakaroon ng seguro ay magsisilbing proteksyon upang mapaghandaan ang ganitong mga pagkakataon at mabawasan ang epekto sa kanilang pinansyal na katayuan. Kapag mayroon silang seguro, ang mga mahihirap at yaong may mabababang sahod ay mas madaling makakabawi mula sa pagkabigla sa ganitong pangyayari.
5. Bakit ang ginagarantyahang halaga ng benepisyo mula sa microinsurance ay may limitasyon na limang daang beses ng pinakamababang arawang sahod sa Metro Manila?
Sa kalakal ng seguro, mas mataas ang benepisyo, mas mataas din ang prima o regular na kontribusyon na dapat bayaran ng kliyente. Ang limitasyon sa halaga ng benepisyo ay upang siguruhin na ang mga produkto ng microinsurance ay naaakma sa kakayanang pampinansiyal ng mga mahihirap.
Napapaloob sa balangkas na ang ginagarantyahang benepisyo ng isang microinsurance policy ay di hihigit sa P190,000 base sa kasalukuyang pinakamababang arawang sahod sa Metro Manila. Tinatantya na para sa isang mahirap na pamilya, ang halagang ito ay makapagtatawid sa kanila sa loob ng labing-anim at kalahating (16.5) buwan o limang daang (500) araw na kung saan mawawalan sila ng pagkakakitaan dahil sa hindi inaasahan o hindi nakikinitang pangyayari. Ganunpaman, walang regulasyon na pumipigil sa isang kliyente na bumili ng higit sa isang microinsurance policy upang matugunan ang mga pangangailangan niyang pangseguro.
6. Sino ang mga pinag-tutuunan ng microinsurance?
Ang microinsurance ay nakatuon upang himukin ang mga pamamahay na mabababa ang sahod na magpaseguro dahil sila ang mas hirap makaahon kapag may mga hindi inaasahan o hindi nakikinitang pangyayari sa kanilang buhay.
7. Paanong makakabayad ang mahihirap ng kanilang prima sa seguro?
Sa karanasan ng microfinance sa buong mundo at maging sa Pilipinas, napatunayan na kaya ng mahihirap na magtabi ng bahagi ng kanilang salapi upang makapa-impok at magbayad ng kanilang pagkakautang. Ang prinsipyo ng pagtatabi at pagbili ng microinsurance ay gumagarantiya na mayroon silang pagkukunan ng salapi sa sandali ng biglaang pangangailangan. Kung kaya nilang magtabi at mag-ipon, kakayanin din ng mga mahihirap na magbayad ng seguro kung mapanatiling akma ito sa kanilang mga pangangailangan.
8. Magkakaloob ba ang Gobyerno ng pinansyal na ayuda sa mga nagbibigay ng impormal na seguro upang gawin silang pormal?
Ang Gobyerno ay hindi magkakaloob ng tuwirang pinansyal na ayuda upang mapabilang sa pormal na sector ang mga nagbibigay ng impormal na seguro. Sa halip, ang gobyerno ay maglalaan ng mas maluwag na regulasyon para sa mga impormal na taga-seguro na nagnanais na gawing pormal ang kanilang pagseseguro o kahawig na aktibidad. Kasama na rito ang mas mababang kapital na kailangan tupdin ng mga organisasyong nakatuong lubusan sa microinsurance.
Gayunpaman, kailangan ng Gobyerno ang suporta ng mga katuwang sa pagpapalawig ng kapasidad ng mga impormal na taga-seguro tungo sa pagsasa-pormal ng kanilang operasyon. Ang mga tulong na maaaring ihandog ng mga katuwang sa pagpapalago ay: pagbalangkas ng mga produktong naaakma sa mahihirap, pagtatatag ng talaan at iba pang impormasyon ng mga miyembro; at kaalamang pampinansyal.
9. Ano ang bahagi ng Local Government Units (LGUs) sa microinsurance? Maaari ba silang magkaloob ng direktang pinansyal na ayuda sa kanilang mga nasasakupan?
Inaasahang ang mga LGUs ay susuporta sa paglago ng microinsurance sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pribadong sector upang tiyaking ang kanilang mga nasasakupan ay may mapagkukuhanan ng microinsurance. Ang mga LGUs ay mahalaga sa pagtatatag ng makinarya ng suporta [koneksyon, tulong at impormasyong pampubliko, kampanya para sa kaalamang pinansyal, at iba pa]. Maaari rin silang mag-asiste sa kanilang mga nasasakupan upang makapamili ang mga ito ng tamang produkto ng microinsurance na nababagay sa kanila.
Maaari ding magbigay ng direktang ayuda sa kanilang mga nasasakupan ang mga LGUs nguni’t sa pamamagitan lamang ng PhilHealth. Ang PhilHealth ay mayroong programa para sa mahihirap kung saan ang isang LGU ay maaaring magkaloob ng ayuda para sa prima ng mga mahihirap na nasasakupan nito.
10. Kailan maituturing ang isang grupo na gumagawa ng impormal na
pagseseguro o kahawig na aktibidad?
Ang isang grupo na walang lisensya mula sa Insurance Commission (IC) ay maituturing na gumagawa ng di-pormal na pagseseguro o kahawig na aktibidad kung:
a. Ito ay nangungulekta ng prima, regular na kontribusyon at iba pang bayarin mula sa mga miyembro/kliyente bago pa sumapit ang hindi inaasahang pangyayari; at
b. May katiyakang babayaran ang ginarantiyahang benepisyo kapag sumapit ang di-inaasahang pangyayari.
Hindi rito kasali ang “damayan” o “abuloy” kung saan ang benepisyo ay katumbas lamang ng kung magkano ang kabuuang prima o kontribusyon na naihulog sa panahong dumating ang di-inaasahang pangyayari.
11. Ano ang mga paraang mapagpipilian ng isang grupong gumagawa ng
impormal na pagseseguro?
Ang mga grupong nagkakaloob ng impormal na pagseseguro (o yaong sariling seguro) ay kakailanganing isa-pormal ang gayong gawain sa loob ng panahong ipapataw. Ang mga grupong ito ay maaaring makapamili sa iba’t ibang paraan ng pagsasa-pormal:
a. Pakikituwang sa mga pormal na taga-seguro at tagapamagitan sa paraang pagbili ng isahan/panggrupong insurance policies. Sa ganitong paraan ay maari silang payagang maging lisensyadong ahente o broker;
b. Pakikianib sa isang Mutual Benefit Association (MBA) o Cooperative Insurance Provider. Ang mga kooperatiba ay maaring umanib bilang miyembro ng isang nabuo nang Cooperative Insurance Society; ang mga indibidwal ay maaaring mag-miyembro sa isang MBA o isang Insurance/Service Cooperative; at
c. Pagtatayo ng anuman sa mga sumusunod na lisensyadong grupong nagseseguro:
i. Life o Non-Life insurance companies;
ii. Mutual Benefit Association;
iii. Cooperative Insurance Society o Insurance/Service
Cooperative na nagkakalakal ng seguro.
12. Bakit kailangang isapormal ang di-pormal na operasyon ng
pagseseguro o kahawig na mga aktibidad?
Sa pagsasa-pormal ng kanilang mga operasyon, ang pangambang baka hindi makatupad sa kanilang mga pangako at obligasyon ang mga tagaseguro sa kanilang mga kliyente ay mababawasan, kundi man lubusang mawala.
13. Sino ang maaaring magkaloob ng mga produktong microinsurance?
Ang mga produktong microinsurance ay maaari lamang ipagkaloob o ibenta ng mga grupong rehistrado at lisensyado ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno. Kabilang, nguni’t di nalilimitahan sa mga grupong ito ay ang mga sumusunod:
a. Commercial Life Insurance Companies
b. Commercial Non-Life Insurance Companies
c. Mutual Benefit Associations (MBAs)
d. Cooperative Insurance Societies
e. Insurance/Service Cooperatives
f. Pre-Need Companies
g. Health Maintenance Organizations (HMOs)
14. Ang pagsasaka o agricultural na sector ba ay kasama sa
microinsurance? Ano ang bahagi ng Philippine Crop Insurance
Corporation (PCIC)?
Ang mag-anak ng mga nasa pagsasaka na may mababang kita ay maaaring makinabang sa microinsurance. Mga bago at kakaibang produkto ng microinsurance na nasa larangan ng pagsasaka ang maaaring likhain ng pribadong sector, tulad halimbawa ng produkto ng seguro na nababatay sa klima o panahon. Gayundin, ang PCIC ay maaring makituwang sa mga pribadong tagapag-seguro sa pagbalangkas at pagpapalaganap ng mga produkto ng microinsurance na may kinalaman sa agrikultura.
15. Ano ang ahente ng microinsurance?
Ang isang ahente ng microinsurance ay sinumang tao o grupo na may lisensya mula sa Insurance Commission (IC) upang kumuha o mangalap ng mga kliyente ng microinsurance para sa isang lisensyadong kumpanya ng seguro. Hindi nila kakailanganing kumuha at ipasa ang pagsusulit na ipinapakuha sa mga karaniwang ahente ng seguro. Sa halip, sila ay ipapasailalim sa inaprubahang programa para sa pagpapalawig ng kaalaman at pagkatapos nito, dapat nilang ipasa ang isang pagsusulit tungkol sa tinapos na programa. Ang IC ang magtatakda ng mga programang pangkaalaman na dapat pagdaanan ng mga ahente ng microinsurance.
16. Ano ang microinsurance broker?
Ang microinsurance broker ay isang tao o institusyon na may lisensya mula sa Insurance Commission upang mangalap at makipagnegosasyon ng microinsurance para sa kapakanan ng mga kliyente. Ang isang microinsurance broker ay kailangang magkaroon ng kapital na kalahati ng hinihingi mula sa karaniwang broker.
17. Ano ang kinakailangan upang ang mga institusyong may kinalaman
sa operasyon ng microfinance ay maging ahente ng microinsurance?
Ang mga institusyong may kinalaman sa operasyon ng microfinance ay maaaring magkaroon ng lisensya bilang ahente o broker ng microinsurance kung:
a. Ang institusyon ay may nakatalagang tagakalap (soliciting agent o broker);
b. Ang institusyon ay magbebenta ng mga produktong microinsurance sa mga kliyente lamang ng kanilang microfinance;
c. Ang soliciting agent ay dapat dumaan sa programang pangkaalaman at pumasa sa pagsusulit para sa mga ahente ng microinsurance.
18. Ang mga regular na ahente at brokers ba ng seguro ay
makakapagbenta ng mga produktong microinsurance?
Oo, ang mga lisensyadong ahente at brokers ng Komisyon ng Seguro ay maaaring makapagbenta ng mga produktong microinsurance bukod pa sa mga tradisyunal na produktong seguro na ibinebenta nila.
19. Bakit mahalaga ang pinansyal na pangkaalaman sa microinsurance?
Ang pinansyal na kaalaman ay mahalaga upang mapalawig ang kaalaman kung paano makakatulong ang seguro sa mga mag-anak na may mababang sahod. Ito ay makakatulong din upang lumikha ng kultura ng pagkakilala at pag-iintindi sa kahalagahan ng microinsurance. Hihimukin nito ang mga tagapag-seguro upang gumawa ng mga produktong microinsurance na naakma sa mga pangangailangan ng impormal na sektor, at upang mas lalong pagtibayin ang pagtupad sa mga pangakong benepisyo sa panahon ng paniningil.
20. Sino ang mga bibigyan ng pagsasanay na ukol pinansyal?
Ang pinansyal na pagsasanay ay ibibigay sa mga tagapag-seguro at mas lalo’t higit, sa mga kasalukuyan at potensyal na kliyente ng microinsurance. Ang pagsasanay ay tutuon sa mga sumusunod: akmang proteksyong pinansyal mula sa mga panganib, mga polisiya at regulasyon ukol sa microinsurance; mga atas at responsibilidad ng tagapag-seguro; at mga karapatan at benepisyo ng mga kliyente.